Herlene Budol on new leading men: "Hindi maiwasang ma-in love sa ka-partner." | PEP Interviews
Naungkat sa pagtatanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Herlene Budol ang tungkol sa pinagdaanan niyang karanasan sa dati niyang leading man sa huli niyang serye sa GMA-7.
Hindi man pinangalanan, ang tinutukoy sa tanong ay ang dating leading man ni Herlene sa show na Magandang Dilag na si Rob Gomez.
Matatandaang naiugnay si Herlene kay Rob matapos na mag-leak sa social media ang screenshots ng private conversations nila.
Nagpatindi pa na sangkot noon sa isa pang isyu si Rob sa dating karelasyong former beauty queen na si Shaila Rebortera.
Lalo pang naging kumplikado ang sitwasyon dahil nag-leak din ang umano’y private conversation ni Rob kay Bianca Manalo, na co-star nila sa Magandang Dilag.
Rason noon ni Rob, na-hack umano ang kanyang phone at may nagkalat ng private conversations nila.
Hindi pa rin nakakalimutan ni Herlene ang napasukan niyang kontrobersiyang ito, kahit isang taon na ang nakakalipas.
Pag-amin pa ni Herlene, naapektuhan siya nang husto noon dahil dito at sa katunayan, nagpa-psychiatrist pa raw siya para makayanan ang mga komento ng mga bumabatikos sa kanya.
"Ang bigat na hindi ako naipagtanggol," sabi pa ni Herlene tungkol sa dati niyang leading man.
Sa mga bago naman niyang leading man, ang masasabi ng bida ng bagong Kapuso show na Binibining Marikit, "Kasi hindi mo po talaga maiiwasan na ma-in love talaga sa kapartner.
"Ayoko pong magsalita ng tapos, pero ayoko pong maulit yung trauma na ibinigay sa akin nung last co-actor ko...
"Pero dito po sa Binibining Marikit, nakikita ko naman po sa kanilang dalawa na with or without issue, ipagtatanggol po nila ako dahil sobrang gentleman po ng dalawang tao na 'to at sobrang blessed po ako na sila ang ka-partner ko," patuloy pa ni Herlene tungkol sa leading men niya ngayon na sina Tony Labrusca at Kevin Dasom.
#pepvideo #herlenebudol #binibiningmarikit
Video: Rommel Gonzalez
Text & Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv
Read the latest in showbiz at http://www.pep.ph
Watch more videos at https://www.pep.ph/videos
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalertsViber: https://bit.ly/PEPonViber
Kumu: pep.ph
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Sharon Cuneta on Coco-Julia relationship: "I don't ask questions, but I know a lot" | PEP Interviews
Angelu de Leon nalulungkot para sa mga bagong artista sa pagkawala ni Gloria Romero | PEP Interviews