Rikki Mae Davao's eulogy for dad Ricky Davao | PEP Hot Story
Nagbigay ng kanyang euology si Rikki Mae Davao para sa kanyang yumaong ama na si Ricky Davao kagabi, Mayo 7, 2025, sa pinaglalagakang chapel ng labi ng award-winning actor-director sa Heritage Park, Taguig City.
Si Rikki Mae ang pangalawang anak nina Ricky at ng aktres na si Jackie Lou Blanco. Ikinasal sila nung 1989 at naghiwalay nung 2011. May dalawa pang kapatid sa ina si Rikki Mae, ang panganay nilang si Kenneth, at ang bunsong si Arabella o Ara Davao na nag-aartista rin.
May kapatid din siya sa naging non-showbiz partner ni Ricky noon na si Cheryl Singzon, si Justine "Teddy" Davao.
Sa eulogy ni Rikki Mae, inilahad niya sa mga panauhing kaibigan at mga mahal sa buhay kung paano ibinigay sa kanya ang pangalang Rikki Mae.
Ang amang si Ricky at ang kanyang "Mamita" na si Pilita Corrales daw ang mga nakaisip ng kanyang pangalan — Rikki mula kay Ricky, at Mae mula naman sa mungkahi ng namayapa na ring si Pilita.
Para "girlie" pa rin, dagdag pa raw noon ng legendary singer-actress na lola niya at ina ng kanyang inang si Jackie Lou.
Nagtawanan ang mga tao nang sabihin ni Rikki Mae na, "I'm sorry, Mamita. Hindi tumalab ang Mae. Wala na."
High school daw noon si Rikki Mae nang ipinagtapat niya sa kanyang mga magulang na sina Jackie Lou at Ricky na isa siyang lesbian.
Binalikan din ni Rikki Mae kung paanong masyado siyang mahigpit magbantay noon sa ama, ang nakakatuwang palitan nila ng mga mensahe o messages sa sms at sa social media, at mga huling sandali na kapiling nila ang kanilang ama.
Hindi na napigilan ni Rikki Mae ang mapaluha sa gitna ng kanyang pagkukuwento, lalo na sa mga sandaling nababanggit ang nadarama nila noong paghihirap ng kalooban dahil sa nakikitang unti-unting panghihina ng kanilang ama.
"When things started to get bad, I found myself wanting to call him and ask him for his advice, because in other moments, that's what I would do.
"I will call him pag nasa taping kami, if I have questions. Pag may nakipag-break sa akin, anything. And he was really a safe space for me to feel better and to feel things would be OK."
Ibinahagi rin ni Rikki Mae ang itinuturing niyang huling mensahe sa kanya ni Ricky.
"I just want to be positive and remove the anger in my heart. And I just want a happy life with all of you!!!"
May tatlong exclamation points daw sa huli ang mensaheng ito ni Ricky sa kanya na ipinadala sa pamamagitan ng cellphone.
"Very him. It's really very him," sabi pa ni Rikki Mae tungkol sa mensahe ng ama.
#rikkimaedavao #rickdavao #pepvideo
Video: Noel Ferrer
Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv
Read the latest in showbiz at http://www.pep.ph
Watch more videos at https://www.pep.ph/videos
Follow us!
Reddit: https://www.reddit.com/user/pepalerts/.
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Kumu: pep.ph